Thursday, October 3, 2013

Bar 1:15-22 ● Slm 79 ● Lc 10:13-16

Sinabi ni Jesus: “Sawimpalad ka, Corazin! Sawimpalad ka, Betsaida! Kung sa Tiro at Sidon nangyari ang mga himalang ginawa sa inyo, matagal na sana silang nagdamit-sako at naupo sa abo at nakapagbalik-loob. Kaya magaan pa ang sa sapitin ng Tiro at Sidon kaysa inyo sa araw ng paghatol. At ikaw naman, Capernaum, dadakilain ka kaya hanggang Langit? Hindi! Ibubulid ka sa im piyerno! “Ako ang dinidinig ng nakikinig sa inyo at ako ang hindi tinatanggap ng hindi tumatanggap sa inyo. At ang hindi tuma tanggap sa akin ay hindi tumatanggap sa nagsugo sa akin.”


PAGSASADIWA

Corazin… Betsaida… Capernaum. – Sa mga lugar na ito ginawa ni Jesus ang marami sa kanyang mga himala. Nakalulungkot malaman na sa kabila ng mga himala at mabubuting bagay na ginawa ng Diyos sa mga taong naninirahan sa mga lugar na ito, hindi sila kinakitaan ng kababaangloob at pagsisisi. Sa halip na magpakumbaba, ang ipinakita nila ay kapalaluan at kawalan ng pagtugon sa pagbabagumbuhay. Nagtiwala lang sila sa kanilang sarili sa halip na higit na magtiwala sa Diyos. Dahil sa kanilang kayabangan at kawalan ng pagsisisi, nagbigay si Jesus ng seryosong babala sa kaparusahang kanilang sasapitin. Kung sino pa ang tumanggap ng maraming himala at pagpapala ay sila pang nagkulang sa pagbibigay parangal at pagkilala sa

Diyos sa kanilang mga gawa.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bar 1:15-22 ● Slm 79 ● Lc 10:13-16


No comments:

Post a Comment