Thursday, October 3, 2013

Aroga, namuno sa panalo ng NU

Ni Marivic Awitan


Ginapi ng National University ang Emilio Aguinaldo College, 71-61, para palakasin ang kanilang tsansang umusad sa semifinals ng 11th Fr. Martin Division 2 Cup basketball tournament sa Arellano University Gym sa Legarda, Manila.


Tumapos na top scorer para sa Bulldogs si Alfred Aroga na nagtala ng 22 puntos.



Ang panalo ang ikaanim ng NU sa walong mga laro nila sa Group B na nagtabla sa kanila sa liderato ng kanilang grupo, kasama ng University of Perpetual Help Altas, La Salle Green Archers at Enderun College Titans.


Hinihintay na lamang ang huling laro sa pagitan ng NCAA archrivals Letran at San Beda para malaman kung sinu-sino ang papasok sa semis.


Hawak din ng Red Lions ang 5-2 (panalo-talo) baraha.


At kung magkakaroon ng 5-way tie, gagamitin na lamang umano ang quotient system, ayon kay tournament commissioner Robert dela Rosa para alamin kung sino ang mga koponan na papasok.


Sa juniors division, nakakuha naman ang Hope Christian School ng 12 puntos mula kay Tzaddy Rangel at 10 puntos naman kay John Apacible para mapataob ang San Sebastian College, 70-48.


Dahil sa panalo, nakumpleto ng Hope ang 7-game sweep sa eliminations para pangunahan ang Group A.


Nagwagi naman sa isa pang laro ang University of Santo Tomas laban sa Xavier School, 59-54.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Aroga, namuno sa panalo ng NU


No comments:

Post a Comment