Ipinalasap ng MOB sa Skyforce ang una nitong pagkatalo, 98-94, pagpapatauloy ng aksiyon sa 2013 Danny Espiritu Cup
basketball tournament sa Lyceum of the Philippines University Gym sa Maynila.
Nakailang palitan pa ng pagtrangko ang dalawang koponan hanggang sa ganap na mahawakan ng MOB ang kontrol ng laban makaraang makalayo ng walong puntos, 75-67 sa bungad ng fourth quarter.
Mala doon, natapyas pa ito ng Skyforce sa limang puntos, 81-86, bago rumatsada ang MOB at nagsalpak ng 15-4 blast upang ganap na maangkin ang kanilang ikalimang sunod na panalo at ang liderato.
Nanguna para sa MOB ang tambalan nina Jopher Custodio at Jeff Viernes na kumana ng pinagsamang 59 puntos kabilang na rito ang 13 triples.
Limang players ng Skyforce sa pangunguna ng mga ex pros na sina Chester Tolomia at Marlon Basco ang umiskor ng double
digits, ngunit hindi ito naging sapat para maisalba ang koponan sa una nitong kabiguan sa anim na laban.
Nagtapos sina Tolomia at Basco na may 16 at 14 puntos ayon sa pagkakasunod. – Marivic Awitan
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment