Ni Anthony Giron
Kapani-paniwala ba ito o hindi?
Isang psychic o manghuhula ang nagsabing nakarating sa kanyang kaalaman ang pamamaslang sa 25-anyos na advertising executive na si Kristelle “Kae” Davantes bago pa man naaresto ang isa sa responsable sa krimen noong Biyernes ng gabi.
Sa pamamagitan ng isang “medium,” sinabi ni David S. Langcay, isang kilalang espiritista sa Bucandala, na nabatid niya ang mga pangyayari noong Setyembre 7, ang araw na pinaslang si Davantes, bago pa man kumanta si Samuel Decimo.
Si Decimo, 19, ay naaresto sa awtordidad noong Biyernes matapos magpalabas ang gobyerno ng P2.5 milyon para sa kanyang pagkakadakip.
Noong madaling araw ng Setyembre 7, naghahanap umano ng mahoholdap ang grupo ni Decimo at natiyempuhan ng mga ito si Davantes habang sakay sa kanyang Toyota Altis malapit sa kanyang tahanan sa Moonwalk, Las Piñas City.
Nabatid ni Langcay sa kanyang medium na limang suspek ang sangkot sa panghoholdap kay Davantes, kabilang ang isang tomboy na umuutang umano ng pera sa biktima.
Tinangay ng mga suspek si Kae at sumakay ang mga ito sa dalawang sasakyan bago nagtungo sa isang liblib na lugar, kuwento ni Langcay.
Sinabi ni Langcay na doon na pinagsasaksak at sinakal si Davantes habang nakapiring ang mga mata nito sa loob ng sasakyan bago siya itinapon sa isang mababaw na ilog sa ilalim ng tulay ng Tibagan sa Barangay Sabutan, Silang, Cavite.
Sinabi ni Langcay, isang dating kagawad, na handa siyang tumulong sa awtoridad at pamilya ng iba pang biktima na naniniwala sa kanyang abilidad.
Nagsimulang manghula si Langcay sa edad na 15 at nakatulong na siya umano na maresolba ang ilang krimen matapos humingi ng tulong ang pulisya at pamilya ng mga biktima simula noon.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment