Upang magkaroon ng mura subalit disenteng pabahay para sa maralitang pamilya, patatayuan ng mga bahay ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang lupa nito sa Barangay Bagbag sa lungsod.
Mahigit 1,970 metro kuwadrado ang kabuuan ng lupa malapit sa Kingspoint Subdivision sa Bgy. Bagbag na gagamitin para sa low-cost housing project.
Sa pamamagitan ng QC socialized housing program, itatayo ng Quezon City ang isang Bistekville sa lupaing donasyon ni dating Ambassador Bienvenido A. Tan Jr.
Tatawagin itong Bistekville 8, alinsunod sa palayaw ni Mayor Herbert M. Bautista na nagpasimula ng Bistekville socialized housing project para magkaroon ng disenteng malilipatan ng mga maralitang pamilya sa tabi ng mga estero at iba pang mapanganib na lugar. – Jun Fabon
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment