Ni Nora Calderon
TIYAK na maaantig ang puso ng mga manonood sa bagong human drama program ng GMA-7, ang Bingit.
Ito ang naramdaman namin nang ipapanood sa entertainment press ang first episode nita na tamp ok si June Abrazado, ang security aide ni DILG Secretary Jesse Robredo.
May dramatization sa pangyayari sa buhay ni June bago naganap ang aksidente noong August 18, 2012 — nang mabingit siya sa kamatayan sa pagbagsak ng Piper Seneca plane sa karagatan ng Masbate on their way pabalik ng Naga City kasama Sec. Jess.
Si Jun Abrazado lamang ang pinalad na makaligtas, kasamang namatay ni Sec. Jess ang pilot at co-pilot ng eroplano.
Hindi tumanggi si June nang puntahan siya ng GMA-7 at inilatag sa kanya ang concept ng programa.
Ikinuwento niyang lahat ang mga pangyayari at hindi siya tumanggap ng talent fee kahit nagoffer ang produksiyon.
Ayon sa production manager ng show na si Ms. Enri Calaycay, ang supporting videos sa kuwento ni June ay mula sa file videos ng news programs ng GMA Network News & Public Affairs. May interview rin sila sa aviation expert, si Gen. Victorio H. Quinia.
Honored si Mark Herras na siya ang kinuha to portray the role of June. Si Richard Castelo ang gumanap na Sec. Jesse Robredo na unang tingin ay iisipin mong nabuhay ang well-loved na DILG secretary. Si Ronald del Rosario ang gumanap na Captain Bahinting at si Jiad Aury ang copilot. Gumanap namang wife ni June si Vaness del Moral.
Ikinuwento ni June kung paano siya nakaligtas, kung paano siya nakalabas ng eroplano habang lumulubog ito pagkatapos bumagsak, kahit may mahaba siyang sugat sa braso, at ewan kung milagro, may nakita siyang bag na papalutang at iyon ang pinagsikapan niyang makuha para makalutang.
May interview rin ang isang fishermanna nakakita sa pagbagsak ng eroplano at nakakita kay June nang lumitaw siya sa tubig.
May pagkakataon na napapaiyak si June habang nagkukuwento at inalalayan naman siya ng wife niya. Hindi rin kasi nakaligtas sa mga paninisi at batikos si June kung bakit nailigtas niya ang sarili niya pero hindi niya natulungan si Sec. Robredo. Pero pinawi iyon ni now Congresswoman Leni Robredo at ng mga anak ng magasawa, na nagsabing aksidente
iyon at walang may kagustuhan.
Hanggang sa ngayon ay sa DILG office nagtatrabaho si June at hindi pa siya muling sumusubok na sumakay ng eroplano dahil nagka-trauma siya.
Inimbitahan sana ng GMA-7 si June para sa press preview ng premiere episode ng Bingit pero umuwi na pala siya sa Naga City para sa fiesta ng Nuestra Sra. de Penafrancia sa Sabado, September 21. Parehong deboto si June at si Sec. Robredo ng mapaghimalang Birhen. Tinulungan nga ba ni Ina (tawag ng mga Bicolano sa Birheng Penafrancia) si June na pinabaunan ng wife niya ng panyo ng Mahal na Birhen bago umalis to perform his duty?
Sa direksyon nina Rico Gutierrez at Lem Lorca, mapapanoodsaSabado,September 21, ang Bingit pagkatapos ng Startalk sa GMA-7.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment