Inaasahang aabante ang Ateneo sa championship round makaraang manatiling walang talo ang kanilang men’s at women’s teams sa UAAP Season 76 badminton action sa Jump Smash Badminton Courts sa San Francisco del Monte sa Quezon City.
Binigo ng Blue Eagles ang Far Eastern University (FEU), 4-1, para sa kanilang ikaanim na sunod na panalo, ang kapareho ring record na naiposte ng Lady Eagles, itinala ang 4-1 decision kontra sa National University (NU).
Naglaro na wala si dating MVP Toby Gadi, target ng Blue Eagles ang Finals na may kaakibat na “thrice to beat” incentive laban sa title holder Bulldogs sa final day ng eliminations ngayon.
Napagwagian ng NU ang unang league badminton title noong nakaraang season kontra sa Ateneo, ang titlist sa nakalipas na dalawang taon.
Napagtagumpayan nina Justin Natividad at Patrick Natividad ang kanilang singles matches upang maibsan ang pagkatalo ng rookie na si Clarence Filart sa opening singles. Sina Patrick Natividad at Bryan Garrido at Justin Natividad at Theodore Co also ang tinanghal na panalo sa doubles para sa Ateneo.
Pinangunahan ni reigning MVP Joper Escueta at Aries delos Santos, pinabagsak ng Bulldogs ang University of the East, 4-1, upang mapalakas ang kanilang marka sa 5-1 record. – Marivic Awitan
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment