Plano ng mga kasapi ng Caloocan City Council na hatiin ang Bagong Silang, na pinakamalaking barangay sa Pilipinas.
Nagsasagawa na ng public consultation sina Councilors Karina Teh, Susan Punzalan, Jay Africa, Dean Asistio at Alou Nubla upang kunin ang pulso ng mga residente ng Bagong Silang kung pabor ang mga ito na hatiin ang barangay.
Sa ilalim ng Section 385 ng Local Government Code, maaaring hatiin ang isang barangay sa Metro Manila sa bisa ng isang City Council ordinance at pagkakaroon ng majority vote mula sa isang plebisito na mamanduhan ng Commission on Elections (Comelec) ng apektadong pamahalaang lokal.
Dapat na matiyak na ang mabubuong barangay ay may mahigit 5,000 populasyon, na patutunayan ng National Statistics Office (NSO).
Pinakamalaking barangay sa buong bansa ang Bagong Silang, na may 245,000 residente o 49,000 pamilya at may lawak na 524.68 ektarya kuwadrado.
Kinakatawan ng Bgy. Bagong Silang ang 16.1 porsiyento ng kabuuang populasyon ng Caloocan.
Suportado ni Mayor Oca Malapitan ang paghahati sa Bagong Silang. – Orly L. Barcala
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment