NEW YORK – Napanatili ng Microsoft founder na si Bill Gates ang kanyang pangunguna sa taunang listahan ng Forbes magazine ng 400 pinakamayayamang Amerikano na nagpakitang nakapagtala ng record ng yaman ang mga bilyonaryo sa
Amerika ngayong taon.
Umabot sa $72 billion ang kabuuang yaman ni Gates. Pangalawa sa listahan ang super-investor na si Warren Buffet, 83, na nagdagdag ng $12.5 billion sa kanyang yaman sa net worth na umaabot sa $58.5 billion. Pumangatlong puwesto pa rin ang
Oracle CEO na si Larry Ellison, sa yamang $41 billion.
Nasa ikaapat at ikalimang puwesto ang mga right-wing industrialist na sina Charles at David Koch, at pawang miyembro naman ng angkan ng Walton — na mayari sa Wal-Mart — ang umangkin sa sumunod na apat na puwesto. Kinumpleto ni New York Mayor Michael Bloomberg ang top 10 sa yaman niyang umaabot sa $31 billion.
Ang mga pumasok sa taunang tala ay may kabuuang yaman na $2 trillion, mas mataas sa $1.7 trillion na naitala noong nakaraang taon at ang pinakamataas na combined value sa kasaysayan, ayon sa Forbes.
Ang isa sa pinakamahalagang tagumpay sa listahan ay itinala ng Facebook founder-CEO na si Mark Zuckerberg, na may-ari ng 17 porsiyento ng social networking giant. – Deutsche Presse Agentur
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment