Saturday, September 28, 2013

PAGKAKATAONG TUMULONG

“You entered my life in a casual way, And say at a glance what I needed, There were others who passed me each day, But

never say any, I know there were many chances before, But the others – well didn’t see it.” – Grace Downstoe


Narito ang isang Manager na nagkukwento sa kanyang kumpadre at kasama sa opisina. Ikinuwento ni Jessie kay Bob na makapulot siya ng isang matandang babae na nadulas isang gabi. Malakas ang ulan noon. Nakastopped ang kanyang kotse. Nang dumating ang signal “GO” ay itinabi niya ang kanyang kotse. Pinangko niya ang matandang babae. Isinakay niya sa kotse.



“Bababa na ako , Iho… Hindi naman ako nasaktan. Maraming salamat. Pagpalain ka nawa ng Diyos…”


“Ihahatid ko na po kayo. San pa po ba kayo nakatira?”


“Nakakahiyang sabihin pero wala akong bahay na tinutuluyan. Sa gilid ng gusaling iyan ako nakatira… Bababa na ako, Iho, pagkat ako’y mapapalayo…”


Nakunsensiya si Jessie, maliit pa ng maulila siya sa ina. Itinuloy ni Jessie ang matanda sa inuuwian hometown.


Ikinuwento ni Jessie kay Vivian. Akala niya ay pupurihin pa siya sa kanyang ginawa tulad ng samartiano na kuwento ni Jesus sa kanyang mga alagad.


Nagalit si Vivian, ang kaisaisang tagapag mana ng mga Delas Alas. Wala raw sa kanyang bokabularyo ang tumulong sa mga di niya kakilala.


Isinauli niya ang bigay niyang singsing. Sinabi nito na hindi na matutuloy ang kanilang kasal.


Ipinaliwanag ni Bob na ang buhay nila ni Vivian ay parang jigsaw puzzle. Nakilala na niya ngayon pa ang tunay na ugali nito. Masarap magluto si Aling Saning. Para niyang tunay na ina ito.


At isang araw sinundo si Aling Saning ng apo nito na si Marissa. Isang napakagandang dalaga. Ipinaliwanag ni Marissa kay Jessie na istrikto ang kanyang Mommy. Naglayas si Aling Saning dahil dito, mahal na mahal ni Marissa ang kanyang Lola Saning. Ayaw nang umuwi ng matanda. Ito ang biro ni Jessie nang mga magulang ay nasa States:


“Siguro po Mama Saning kung liligawan ko si Marissa ay magkakasama-sama tayong tatlo sa aking munting daigdig…“Tama, Iho, noon pa ay boto na ako sa iyo…”


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PAGKAKATAONG TUMULONG


No comments:

Post a Comment