Saturday, September 28, 2013

Ilegal na pagtatrabaho ng dayuhan, sisiyasatin

Iimbestigahan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga ulat na libu-libo umanong Chinese national ang ilegal na nagtatrabaho sa mga konstruksyon sa Batangas at Bataan.



Sa isang pahayag ni BI Officer-in-charge Siegfred Mison ipinangako niyang tutugunan ang mga paratang ng Trade Union Congress ng Pilipinas (TUCP) na ang mga Chinese national na umano’y nagtatrabaho sa nasabing mga lalawigan at walang kaukulang work permit at visas.


Binigyang-diin ni Mison na ilegal para sa isang dayuhan ang magtrabaho sa Pilipinas nang walang Alient Employment Permit mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at isang pre-arranged employment visa mula sa BI. – Mina Navarro


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Ilegal na pagtatrabaho ng dayuhan, sisiyasatin


No comments:

Post a Comment