Iminungkahi ng isang railway expert sa gobyerno ang unti-unting pag-upgrade sa Metro Rail Transit (MRT) Line 3, sinabing ang hindi na napapanahong signaling system ng mass transit system ay nagdudulot ng matinding panganib sa mga pasahero nito.
Sinabi ni Rene Santiago, dating hepe ng nabuwag nang Northrail Corp., na kailangan ng MRT 3 ng bagong signaling system na kumokontrol sa pagitan ng mga biyahe upang maiwasan ang pagbabanggaan ng mga tren, lalo na ang nasa proseso ang gobyerno ng pagbili ng mga bagong bagon para sa mass transit system.
“Government is bidding out the procurement of new coaches, but it is not looking at acquiring a new signaling system,” sabi ni Santiago, na infrastructure planner sa study team ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa 2013 Roadmap for Transport Infrastructure Development for Metro Manila at miyembro ng master plan team para sa Metro Manila Urban Transport Integration study noong 1998.
Aniya, dahil 2002 pa nag-ooperate ang MRT 3, maituturing nang obsolete ang signaling system ng MRT 3 at “risky” na para sa operasyon ng mass transit system, bukod pa sa mga luma nang riles na dapat na ring palitan.
Sinabi ni Santiago na ang pagpapalit ng signaling system ay magkakahalaga ng P1 billion, at inirekomenda sa gobyerno na
isagawa ang overall upgrading ng MRT 3. – Kris Bayos
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment