Friday, September 27, 2013

‘Showbiz Inside Report,’ papalitan ng ‘Singing Bee’

HULING episode na ng Showbiz Inside Report ngayong hapon at kinumpirma ito ni Ogie Diaz sa kanyang Twitter account

kamakalawa ng gabi at wala siyang ideya kung ana ang ipapalit sa iiwanang timeslot.


Ang tsika ng aming source sa ABS-CBN, “Actually, mga host pa lang ang kinausap kaya alam na nila na last day na ng SIR, pero ang mga staff, hindi pa alam kasi ngayong hapon (kahapon) pa lang ang emergency meeting nila. Next week (Oktubre 5) ay UAAP muna ang ipalalabas kasi hindi pa handa ang ipapalit na programa.”



Ang ipapalit palang programa ay ang Singing Bee na iho-host nina Amy Perez at Roderick Paulate (sinulat namin kahapon).

Pero ayon naman sa manager ni Amy na si Boy Abunda ay hindi pa sila nagpipirmahan ng kontrata ng ABS-CBN at hindi pa raw sila nagme-meeting bagamat napagusa pan daw in passing na si Amy ang magiging host sa pagbabalik ng Singing Bee kasama nga si Kuya Dick.


Nagulat kami dahil isang araw bago pumutok ang bali tang tsugi na ang SIR ay naka tsikahan pa namin ang isa sa executives ng talk show na nagkuwentong mataas ang ratings nila at nauungusan nila minsan ang katapat nilang Startalk. Dalawang taon ding umere ang Showbiz Inside Report kaya lungkut-lungkutan ang lahat ng taong involved sa nasabing programa.


Pero knowing ABS-CBN, hindi 'yan papayag na wala silang talk show kapag araw ng Sabado dahil alangan namang magpatalo sila sa GMA-7 (Startalk) at TV5 (Showbiz Police). -Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Showbiz Inside Report,’ papalitan ng ‘Singing Bee’


No comments:

Post a Comment