Umalma si Senator Joseph Victor (JV) Ejercito sa paglabas ng desisyon sa diskuwalipikasyon ng kanyang pinsan na si Laguna Governor ER Ejerctio dahil umano sa sobrang paggastos noong nakaraang May 2013 elections.
Ayon kay Sen. JV, ang desisyon ng Commission on Election (COMELEC) na tanggalin sa puwesto ang kanyang pinsan ay nangyari ilang linggo nang sampahan naman ng plunder case ang kanyang halfbrother na si Sen. Jinggoy Estrada habang ang kanyang ama na si Manila Mayor Joseph Estrada ay may disqualification case din sa Supreme Court.
“May effort na ubusin ang aming pamilya, the timing is suspicious because it’s coming one after another. Even my own standing in the May senatorial elections was pulled down,” ayon kay Sen. JV.
Ibinunyag pa nito na nakatanggap siya ng ulat na tinatrabaho na rin ng Commission on Audit (COA) ang pinasok niyang mga kontrata noong alkalde siya ng San Juan mula 2001 hanggang 2010.
Sa report ng Comelec, labis daw ang ginastos ni ER dahil ang dapat na ginastos lamang ay P4.5 million o katumbas ng 1.5 million na botante ng Laguna.
Itinanggi naman ni Comelec spokesman James Jimenez na pinaginitan nila ito, at ikinatwiran na kaya napaaga ang suspension dahil maaga rin ang pagsampa ng reklamo laban sa gobernador.
Aniya, may kontrata silang nakuha na P6 milyon ang dokumentadong nagastos ni ER bukod sa iba pa. – Leonel Abasola
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment