Isang lalaki ang namatay habang siyam na iba pa ang naospital makaraang malason umano sa ininom na milk tea sa Iloilo City, iniulat kahapon.
Masusing nag-iimbestiga ang Iloilo City Police Office, katuwang ang City Health Office, kaugnay ng pagkasawi ni Ben Jason Chang, 27, na sinasabing nalason sa ininom na milk tea.
Nasa ospital naman hanggang ngayon ang siyam na iba pang uminom umano ng milk tea, na gaya ng ininom ni Chang.
Sumakit ang tiyan at nagsusuka ang mga biktima makaraang uminom ng milk tea.
Kumuha na ng sample ng milk tea ang mga awtoridad upang masuri kung ito nga ang sanhi ng pagkalason ng mga biktima.
Pansamantalang ipinasara ang tindahan ng milk tea habang ipinagpapatuloy ng pulisya ang imbestigasyon. – Fer Taboy
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment