HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Trending talaga ang pagbabati nina Kris Aquino, the queen of all media, at Ms. Ai-Ai Delas Alas sa kasal mismo nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na kakandidato na raw bilang senador sa 2016. (Is that so? hahahahahahahahahaha!)
Imagine, sa pagkagulat daw ng mga naroroong cameramen, sa halip na kina Yan at Dong nai-focus ang camera, biglang sverwing ang mga toits at nai-focus bigla kina Krizzy at Ai-Ai instead.
Hahahahahahahahahahahahahaha!
Ka-amuse naman.
But on the other hand, it was not Krizzy’s intention to upstage the newly weds. Talaga lang gusto na niyang matapos na ang gap of long standing feud nila ni Ms. Ai kaya naglakas-loob na siyang batiin ito with matching necklace as peace offering.
Di ba naman? Hahahahahahahahaha!
Anyway, tiyak na matutuloy na this time ang matagal nang nabibinbing Pilipinas Got Talent na matagal ng due pero hindi nga matuloy-tuloy dahil sa gap sa pagitan ng dalawa.
Isa pang nakaw-eksena sa kasal nina Dong At Yan ay ang flaming red outfit ni Manay Celia Rodriguez.
Shakira raw ang mga otawzing dahil from head to toe ay red ang motiff ni Manay at an age when a lot of women would have some second thoughts in wearing red in any occasion. Hahahahahahahahaha!
Ikaw na ang maging Celia Rodriguez.
‘Yun nah!
SARIWA, MAGANDA AT KATAKAM-TAKAM PERO MAILAP ANG SWERTE
Si Roxanne Barcelo ang image model/endorser ng Asia Brewery for the year 2015 at talaga namang once you get to see the calendar that showcases her in a revealing blue, red and yellow bikini ay talaga
namang lalaki ang mga mata ng mga hot-blooded males na makakikita nito. Hahahahahahahahaha!
Sa totoo, with all her endowments, a lot of people are wondering why her career seems not burgeon in a way. Nag-try na rin naman siyang magpaseksi pero parang deadma lang ang mga ombres.
Deadma lang daw ang mga ombres, o! Hahahahahahahahahaha!
Anyway, sana naman ay ma-appreciate na ng publiko ang talent nang batang ito na kumpletos rekados kung tutuusin pero parang hindi siya masyadong ma-feel ng publiko.
Sa taong ito, sana’y bumongga na siya dahil bukod sa may ganda, may talent naman siyang maituturing.
WALANG KATULAD
Natawa na lang kami sa nabasa namin tungkol sa isang perosnalidad na hanggang ngayon pala ay may gap pa sa kanyang biological son.
Nagtampo raw kasi ang aktor dahil sa panahong nagkaroon siya ng matinding problema, tinawagan niya ang kanyang biological mom pero tipong deadma lang ito at walang naitulong sa kanya whatsoever.
Well, kaya naman siguro walang kasagutan si mudra sa emote ng kanyang anak ay dahil sa that time, she, too, had enormous problems in the States.
Hindi nga ba’t sa kanyang status bilang iconic actress ay nagtrabaho siya bilang caregiver at halos household help na dahil sa kawalan ng career.
‘Yung mga shows naman kasi ay sa una lang at once na maging ‘local’ actress ka na ay ‘di ka na gaanong appreciated nila.
Anyway, mas na-touch pa nga raw ang aktor sa mga half-sisters niya dahil kahit papa’no ay tinulungan siya ng mga ito.
Well, unbeknown to most, kahit pala nasa Pinas na si mudra, hindi pa rin sila nagkikibuang mag-ina.
How sad naman ever.
Isa pa raw kasing ikinaiirita ng aktor ay ang konek ni mudra sa kanyang live-in mate na tipong mas pinahahalagahan pa raw ito as compared sa kanyang mga anak.
Abg hindi siguro maintindihan ng kanyang anak ay ang katotohanang in the many years that his mom was experiencing poverty in the States, there never was a time that this live-in mate of hers did try to
have her abandoned.
Besides, may kanya-kanya na silang mga pamilya at alam naman ng aktres na magiging kalabisan na kung pipisan pa siya sa kanyang mga anak.
On top of that, she, too, has some needs as a woman that only her live-in mate could basically fill in.
‘Yun nah!
***
Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.
And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong! DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment