Friday, January 2, 2015

Presyo ng alak at sigarilyo, sisirit ngayong Enero

SISIRIT ang presyo ng sigarilyo at alak ngayong pagpasok ng 2015 dahil sa ikalawang yugto ng sin tax.


Sa ulat, kinumpirma ni Comm. Kim Henares ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na epektibo ngayong January 1, 2015, merong mga increase sa sigarilyo at alcohol products.


Sa sigarilyo, may umentong P4 sa mga “low priced” na sigarilyo tulad ng Fortune at Mighty kaya imbes na P17 kada pakete ay aabot na ito sa P21 kada pakete.


Magiging P28 na kada pakete ang dating P27 sa premium na sigarilyo tulad ng Marlboro at Philip Morris.


Paliwanag ni Henares sa pagkakaiba ng dagdag-presyo sa dalawang klase ng sigarilyo, target na gawing P30 kada pakete ng parehong produkto pagpasok ng 2017.


Hindi naman matukoy ng opisyal ang eksaktong umento sa mga alak pero sinabi nito na mula sa 15% na ad valorem tax ay aakyat na ito sa 20%.


“Every year po tataas ‘yun tapos after 2017, every year, may increase po siya ng 4%.”


Paalala nito, mapupunta sa health sector ang kikitain mula sa “sin products”. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Presyo ng alak at sigarilyo, sisirit ngayong Enero


No comments:

Post a Comment