Ipinanukala ng isang mambabatas ang pagkakaroon ng portable water filters sa lahat ng lugar sa bansa upang matiyak ang malinis at ligtas ang inuming tubig, lalo na pagkatapos ng kalamidad.
Sa House Bill 3244 ni Rep. Angelina “Helen” Tan, M.D. (4th District, Quezon), oobligahin ang mga probinsiya at lungsod na magkaroon ng angkop at sapat na portable water filters sa loob ng anim na buwan matapos magkabisa ang batas upang masiguro ang pagkakaroon ng malinis na inuming tubig sa mga lugar na apektado ng kalamidad. – Bert de Guzman
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment