Saturday, January 4, 2014

Is 60:1-6 ● Slm 72 ● Ef 3:2-6 ● Mt 2:1-12

Pagkapanganak kay Jesus sa Bethlehem, dumating sa Jerusalem ang ilang pantas mula sa Silangan. Nagtanong sila: “Nasaan ang bagong silang na hari ng mga Judio? Nakita namin ang pagsikat ng kanyang tala sa Silangan at naparito kami para sambahin siya.” …At sinabi nila: ‘Sa Bethlehem ng Juda sapagkat ito ang isinulat ng Propeta: “At ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Juda, hindi ikaw ang pinakaaba sa mga angkan ng Juda, sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno: siya ang magiging pastol ng aking bayang Israel.”…


PAGSASADIWA

Kalikasan at Kasulatan: Daan Tungo sa Panginoon ● Ang tala ng pagpapahayag ng Diyos sa pamamagitan ng kalikasan. Makikilala ang Diyos sa mga bagay na kanyang ginawa. Maihahatid tayo ng mga nilikhang bagay tungo kay Jesus. Pero para makilala siya bilang Kristo, kailangang hayaan nating dalhin tayo sa kanya ng Salita ng Diyos sa Banal na Kasulatan. Ano ba ang mensahe ng kuwento? Tao tayong pinagpala na magbigay karangalan kay Jesus bilang Diyos at tao. Natutunghayan natin ang kagandahang-loob at pagliligtas ng Diyos sa kalikasan at Kasulatan.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Is 60:1-6 ● Slm 72 ● Ef 3:2-6 ● Mt 2:1-12


No comments:

Post a Comment