Pumasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang unang bagyo ngayong 2014 kung saan walong lalawigan ang isinailalim sa public storm warning Signal No. 1.
Kabilang sa mga probinsya na isinailalim sa Signal No.1 ang Surigao del Norte, Siargao Island, Surigao del Sur, Dinagat Province, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental at Compostella Valley.
Ayon kay weather forecaster Gilbert Aquino ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kahapon lamang ng umaga nabuo bilang bagyo ang low pressure area (LPA) sa silangang ng Pilipinas.
Ang nasabing bagyo na pinangalanang “Agaton” ay huling namataan sa layong 260 kilometro timog-silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging 55 kilometro kada oras.
Ito ay kumikilos pa-timog kanluran sa bilis na 5 kilometro bawat oras.
Kung hindi aniya magbabago ang direksyon, babagtasin ng bagyo ang Mindanao pababa ng Davao area.
Dahil dito, magdudulot ang bagyo ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan sa Eastern Visayas at Mindanao. – Rommel P. Tabbad
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment