Nakaramdam pa ng mas malamig na temperatura ang Baguio City sa pagsisimula ng Bagong Taon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Naitala ng PAGASA ang 11.8 degrees celsius kahapon sa nasabing lungsod dakong 5:00 ng madaling-araw kahapon.
Unang naganap ang pagsalpok ng Ang nararamdamang lamig ng panahon ay bunsod na rin ng umiiral na northeast monsoon na inaasahang tatagal hanggang sa Pebrero.
Noong nakaraang Enero 2013 umabot pa sa 9.5 degrees Celsius ang naitalang pinakamababang temperatura.
Sa rekord ng PAGASA, huling naitala ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio City nang maramdaman ang 6.1 degrees celsius noong Enero, 1961. – Rommel P. Tabbad
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment