UNITED NATIONS (Reuters)— Naupo na ang Jordan sa U.N. Security Council presidency noong Miyerkules, ang unang araw ng kanyang dalawang taong pamumuno sa 15-nation body na nagsusumikap na maresolba ang mga sigalot sa Syria, South Sudan, Central African Republic, Mali at iba pa.
Makakatuwang ng Jordan ang Chad, Chile, Lithuania at Nigeria sa council hanggang December 31, 2015. Inihalal ng U.N. General Assembly ang Amman nitong unang bahagi ng Disyembre bilang kapalit ng Saudi Arabia matapos tanggihan ng Riyadh ang puwesto bilang protesta sa kabiguan ng council na wakasan ang Syrian war at kumilos sa Israeli-Palestinian conflict at iba pang isyu sa Middle East.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment