Wednesday, January 1, 2014

TEACHER DINKY NG DSWD?

_lily reyes MULA sa pagiging social worker, aba naman, parang gusto na yatang magpalit ng propesyon itong si Social Welfare Chief Dinky Soliman bilang guro? Bakit, Ma’am Dinky, pagod ka na ba o sobrang yaman mo na kaya parang pinagsasawaan mo na ‘yang puwesto mo?

Nagtatanong lang po ang inyong lingkod kasi noong mga nakalipas na araw ay sinabi niya na “tigil na, tigil na kayo!” Ang utos niya sa kanyang mga tauhan na magsitigil na sa pag-iimpake ng relief goods para sa mga biktima ni typhoon Yolanda.

Tama na raw ‘yung pamimigay ng tulong dahil gusto niya na MATUTONG MAMUHAY sa sariling pamamaraan ang bawat biktima! Ano uli ‘yun, Ate Dinks?


O sige na, maganda ang layunin mo. Tama nga naman na matuto ang mga Filipino sa pamamaraan at diskarte para mabuhay sa kanyang gustong estado. I agree. Hindi nga dapat maging palaboy at palaasa tayo sa biyaya mula sa ibang tao.


Nakalulungkot nga lang na makita na marami at patuloy na dumarami ang mga kababayan natin na hikahos sa buhay. Sa Metro Manila lang at sa mga kalapit na bayan at lungsod, lumolobo ang bilang ng mga namamalimos at nagugutom. Ibig bang sabihin nito, mas malala ang korapsyon kaysa noong nagdaan na administrasyon?


Kasi sabi ni Pangulong Benigno Aquino III, “walang mahirap kung walang korap!” Eh, mas marami ang naghihirap ngayon, so ibig sabihin dumami rin ang korap.


At kay soon-to-be-teacher Dinky Soliman, sabi ko nga, agree ako sa iyong panuntunan – huwag umasa at huwag magmakaawa sa anoman na kailangan. Kailangan nga ang mas matinding pagsusumikap para guminhawa ang ating buhay. Tama ‘yun!


Pero teka, teka, Ma’am Dinky. Ngayon na ipinagbawal at ipinahinto mo na ang pagbibigay ng relief goods sa mga kababayan natin na sinalanta ng magkakaibang delubyo at kalamidad, saan at kanino naman mapupunta ang sandamukal at sanlaksang donasyon hindi lang ng mga kababayan natin kundi yaong mga ibinigay na tulong ng napakaraming bansa?


Hayun nga at maraming nakuhanan na video ang iba’t ibang television network sa iba’t ibang tindahan sa Metro Manila at kanugnog na lugar – mga donasyon na ibinebenta!

Kitang-kita pa ang nakasulat na “donated by this country – NOT FOR SALE!”


Bubulukin mo na lang ba sa iyong bodega ang mga pagkain mula sa ibang bansa? Papaano ‘yung mga tent, unan, kumot, damit, gamit at marami pa?

Saang UKAY-UKAY mo naman iyan ibebenta?


Hindi biro ang bulto ng donasyon sa mga biktima ng bagyo. Dokumentado ang lahat ng iyan. Kaya naman nang sabihin mo na itigil na ang pamimigay, nagalit mismo ang United Nations.


Anak ka ng putakting pula, Ma’am Dinky Soliman. Napaghatian na ba ninyo ang lahat ng donasyon sa ating mga nasalantang kababayan kaya gusto mo nang ipatigil ang pamimigay ng tulong? Aba, eh, sa laki at dami ng donasyon na galing sa kung saan-saang bansa, kahit hindi na kayo kumilos ay magbubuhay reyna kayo niyan.


The post TEACHER DINKY NG DSWD? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



TEACHER DINKY NG DSWD?


No comments:

Post a Comment