MAKAKASUHAN na kaya ang mga
taga-Department of Budget and Management (DBM) na nagmanipula sa bidding ng P50M Closed Circuit Television (CCTV) project para sana sa security at law enforcement ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA)?
Ito Ang Totoo: DBM daw kasi ang may saklaw sa ganoong transaksyon kaya hindi SBMA ang nagpa-bidding ng proyekto.
Pero sa halip na pinaghain ng bid na pinakamaganda at mabenepisyo para sa gobyerno, pinagsama-sama ng DBM ang mga bidder sa pagbuo ng isang kompanya na siya nitong kinakontrata para sa proyekto kahit hindi pa ito rehistrado sa SEC sa panahon ng pirmahan.
Ang masaklap, hindi pinakinabangan ang proyekto na ngayon ay wala na matapos bayaran nang buo ng dating administrasyon ng SBMA sa pamamagitan ng DBM.
Mahalaga ang CCTV sa law enforcement at security kaya dapat meron nito sa Subic Freeport na kung ipagmalaki ay “world-class.”
Pero bago pag-awayan ng kasalukuyang SBMA board kung kanino mapupunta ang bagong kontrata, kung sakali, ay bigyan muna ng “closure” ang P50M scam ng DBM, sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaso sa dapat kasuhan.
Tingnan nga natin kung may gagawin si Pangulong Noynoy Aquino, o baka naman malakas din ang mga sangkot dito sa kanya, kamag-anak o kabarkada niya.
***
Maraming negosyante sa Baguio City ang nakangiti sa pagpasok ng may
1.2-M local at foreign tourist doon sa panahon ng Kapaskuhan.
Pero sobrang traffic sa lansangan, pila sa restaurant at siksikan kung saan-saan ay ilan lang sa mga dahilan kung bakit may sumumpang hindi na babalik sa “City of Pines” kailanman.
Ito Ang Totoo: maganda ang Baguio at ang kailangan lang ay ayusin ang mga pasilidad at imprastraktura hindi lamang sa lungsod kundi pati sa mga daang patungo at galing sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.
***
Pagbati kay Cesar Enriquez ng PLDT Alpha na nagdiwang ng kanyang birthday noong Dec. 28 sa Cork Room sa Subic Bay Freeport, kasama ang kanyang Misis at mga kaibigang sina PLDT Exec. Eric Alberto at pamilya, gayundin si Frankie at Lanie Barretto, Gic, Armin, Ana, Walou at tayo mismo.
The post ATENSYON NI PNOY SA P50-M CCTV SCAM NG DBM SA SBMA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment