Saturday, January 18, 2014

Stoudemire, Martin, mawawala ng 2 linggo

Inaasahang mawawala sa loob ng dalawang linggo sina New York Knicks forwards Amare Stoudemire at Kenyon Martin sanhi ng tinamo nilang left ankle injuries, ito ang inihayag kahapon ng NBA club.


Sina Stoudemire, ang 31-anyos at six-time NBA All-Star, at Martin, ang 36-anyos na playmaker na nakibahagi noong 2011 season para maglaro sa China, ay kapwa sumailalim sa MRI exams kahapon upang tukuyin at madetermina ang kinakaharap nilang injuries.



Si Stoudemire ay sinuri sanhi ng sprain at bone bruise habang si Martin ay kinakitaan ng sprain at tendinitis.


Sa loob ng 33 mga laro sa season na ito, si Stoudemire ay may average na 9.6 puntos at 4.3 rebounds habang si Martin ay may average na 4.2 puntos, 4.4 rebounds at 1.6 assists kada laro sa 30 appearances, ang kalahati doon ay bilang starter.


Taglay ang 15-24, ang Knicks ay kasalukuyang nasa ika-10 sa Eastern Conference, may limang laro pagkaiwan sa likuran ng Atlantic division leader na Toronto ngunit tanging 1.5 na pagka-iwan lamang sa city rival Brooklyn para sa final playoff position.


Ang New York ay may natatanging pitong home victories sa 19 pagtatangka sa season na ito, naipatas ang second-worst mark sa NBA.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Stoudemire, Martin, mawawala ng 2 linggo


No comments:

Post a Comment