PINATALSIK ni Steven Spielberg noong Miyerkules sa trono ang media mogul na si Oprah Winfrey bilang most influential celebrity sa United States, ayon sa taunang pag-aaral ng Forbes magazine na pinagharian ng mga film director.
Ang impluwensiya ni Spielberg ay pinalakas ng kanyang huling pelikulang Lincoln, na umani ng 12 Oscar nominations noong nakaraang taon kabilang na ang best picture at best direction, at kumita ng $275 million sa global box office.
Ayon sa magazine, ang kakayahan ng 67-anyos na director na umakit ng mga banyaga sa U.S. drama tungkol sa isang back-room dealings at minutiae ng 19thcentury Washington politics ay patunay ng kanyang galing. Tumabo ang Lincoln ng $93 million sa foreign markets.
Ayon sa Forbes, 47 porsiyento ng mamamayang tinanong ay si Spielberg ang kinilala bilang influential. “A celebrity’s ‘Influential’ score represents how that person is perceived as influencing the public, their peers, or both,” pahayag ni Gerry Philpott, presidente ng E-Poll Market Research, na nagsagawa ng pagaaral para sa Forbes.
Si Winfrey, 59, na nanguna sa listahan sa 49 porsiyento noong nakaraang taon, ay nalaglag sa 45 porsiyento ngayong taon, na ayon sa Forbes ay maaaring bunga ng kanyang pag-retreat sa spotlight habang pinapatakbo ang kanyang sariling cable television network na OWN.
Ang film director at Star Wars creator na si George Lucas ang pumangatlo sa kabilang hindi gaanong pagtrabaho sa harap ng publiko nitong mga nakaraang taon. Ipinagbili niya sa halagang $4.05 ang kanyang Lucasfilm company sa Walt Disney Co noong Oktubre 2012.
Ang mga director na sina Ron Howard at Martin Scorsese ay fourth at fifth sa listahan, ayon sa pagkakasunod. Ang iba pang high-ranking celebrities sa top 10 ng listahan ay kinabibilangan ng television physician na si Mehmet Oz, ABC TV journalist Barbara Walters at ng U2 singer and activist na si Bono.
Iniranggo ng E-Poll Market Research ang mahigit 6,600 celebrities sa 46 personality attributes.
Hindi binanggit ng Forbes kung ilang katao ang sumali sa survey. – Reuters
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment