Inihayag ng Government of the Kingdom of Denmark mula sa Copenhagen ang plano na muling buksan ang Danish Embassy sa Manila sa Agosto 2014 na natigil ang operasyon noong 2002.
Ipinabatid ito ni Ambassador Nicolai Ruge, non-resident Ambassador to the Philippines ng Denmark na nakabase sa Kuala Lumpur kay Department of Foreign Affairs’ Assistant Secretary for European Affairs Maria Zeneida Angara Collinson.
Ang muling pagbubukas ng Danish Embassy sa Manila ay kumikilala sa malaking potensiyal sa bilateral cooperation ng Pilipinas at Denmark, na naitatag noong 1946.
Sa tala ng DFA, mahigit sa 10,500 Pilipino ang nakabase sa Denmark, karamihan ay nagtatrabaho bilang au pairs o sa service industry. Mahigit 5,000 Pinoy seaman naman ang nakasakay sa mga barkong pag-aari ng Danish. – Bella Gamotea
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment