Sunday, January 26, 2014

So sumalo sa 4th place

SUMALO sa fourth to sixth place si Pinoy GM Wesley So matapos makipaghatian ng puntos kay GM Fabiano Caruana ng Italy sa 11th at final round ng 76th edition ng Tata Steel Chess Tournament sa Wijk aan Zee, Netherlands kagabi.

Umabot lang sa 31moves ng Gruenfeld bago nagkasundo sa draw sina No. 8 seed So, (elo 2719) at ranked No. 3 Caruana upang ilista ng Pinoy ang six points mula sa tatlong panalo, dalawang talo at anim na tabla sa event na may 12-man single round robin.

Binihag ni Caruana ang pawn ni So sa 22 moves (Nd4) dahilan upang makalamang ng isang piyesa ang huli subalit may a-passed pawn naman ang una kaya pahirapan pa rin ang labanan.

“I played a little higher than my seeding but I’ll still have to improve my opening especially in black pieces.” ani So na binigyan ng parangal sa naganap na Philippine Sportswriters Association, (PSA) awards night noong Sabado.

Nakasalo ng 20-anyos na si So sina Caruana at GM Leinier Perez Dominguez (elo 2755) ng Cuba na tumabla kay No. 5 seed GM Sergey Karjakin (elo 2759) ng Russia sa 71 moves ng Sicilian.

Nalasap naman ni world’s No. 2 player at top seed Levon Aronian (elo 2812) ng Armenia ang unang kabiguan laban kay GM Loek Van Wely (elo 2672) ng The Netherlands matapos ang 38 sulungan ng Dutch subalit nanatili pa ring kampeon ang una.

May total eight points si Aronian matapos ilista ang anim na panalo, isang talo at apat na tabla.

Magkasama sina Karjakin at GM Anish Giri ng host country sa second to third spot bitbit ang 6.5 points.

Nauwi sa draw ang laban ni Giri kay seed No. 2 Hikaru Nakamura sa kanilang 39 sulungan ng English.

Ang dalawang talo ni So ay kay Aronian sa round six at Dominguez sa round 8.

Pang-pito si GM Pentala Harikrishna (elo 2706) ng India karga ang 5.5 pts. habang may tig limang puntos naman sina Van Wely at Nakamura upang pumuwesto sa eighth to ninth place.

Tumapos si Gelfand ng 4.5 pts. para 10th place habang pang 11 at 12 sina GMs Richard Rapport (elo 2692) ng Hungary at Arkadij Naiditsch (elo 2718) ng Germany na may tig 3.5 points.

Samantala, ayon kay So ang susunod nitong tournament ay sa Marso o Abril sa USA.


The post So sumalo sa 4th place appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



So sumalo sa 4th place


No comments:

Post a Comment