IPATATAWAG ng Taguig City-PNP ang ilang personalidad na pinangalanan ng TV host/actor na si Vhong Navarro na nambugbog sa kanya sa loob ng condominium sa nasabing lugar.
Ayon kay Taguig City Police Chief S/Supt. Felix Asis, ngayon lamang nagkakaroon ng mas malinaw na detalye ang insidente lalo’t hindi aniya sila napagbigyan na makausap ang aktor.
Sa mismong pahayag ni Navarro, mariin nitong itinanggi ang alegasyong tangkang paggahasa nito sa isang 22-year-old student na kinilalang si Denice Millet Cornejo.
“Kaya po pumasok yung blotter kasi may pangba-blackmail na nangyari. Kaya ang nakalagay doon na hindi sila magrereklamo kasi may usapan po. Ginawa lang ang pang-blotter na iyon na just in case na magsumbong ako, meron silang pwedeng panghawakan laban sa akin,” ayon sa aktor sa panayam ng TV host na si Boy Abunda.
Giit pa nito, tinangka siyang kikilan ng hanggang P2-million ng grupong nambugbog sa kanya.
Kinilala pa nito ang lider ng mga suspek na isang Cedric Lee.
“Basta ibigay ko yung gusto nila na magbayayad ako sa kanila ng P1 million. From P500,000, umabot sa P1 million hanggang sa P2 million. Sabi ko hindi ko na kaya. Damage ko raw doon sa babae.”
Sa ngayon, sinabi ni Asis na nakasentro ang kanilang imbestigasyon sa nangyaring mauling incident.
“Kailangang makausap siya para mabigyang linaw ‘yung allegations. Sa ngayon naka-focus lang kami sa mauling incident,” ayon sa police official.
Sinabi pa nito na posibleng maharap sa mga kasong serious physical injury at extortion ang mga taong idinadawit ng biktima.
The post Sangkot sa kaso ni Vhong Navarro ipatatawag ng Taguig PNP appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment