Sunday, January 26, 2014

MATATAG NGA BA SI PANGULONG AQUINO?

baletodo PARA kina EDWIN LACIERDA AT ABIGAIL VALTE, walang may kakayahan na ipatanggal sa pamamagitan ng IMPEACHMENT si Pangulong Benigno Aquino III (BA3).


Sang-ayon ba ang mga suki ng Baletodo sa sinabi ng dalawang trumpeta ng Malacanang?


Kung tutuusin, noong nagdaang taon ay nagsusulputan na sa mga kapihan at huntahan ang usapin ng presidential impeachment.


Nagsimula ito noong kasagsagan ang impeachment process kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.


Bago kasi ang impeachment sa punong mahistrado, nagkalokohan at nagkatakutan na sa House of Representatives.


‘Yun bang pirma muna bago magtanong or else, wala ka ng pork barrel, wala ka pang premyo kapag naalis si Corona.


Isama riyan ang mga mahiwaga’t kwestiyunableng dokumento bilang ebidensiya – yari na!


Ngunit bago pa man makaporma ang mga abogado ni SCCJ Corona at mga lider ng iba’t ibang kilusan at civil societies, inunahan na sila kaagad ni Atty. Oliver Lozano na isang Marcos loyalist.


Kung magkano ang dahilan, hindi natin kailanman iyan malalaman!


Ayon sa mga nakausap natin na abogado’t nergosyante, dumarami na ang kasong puwede na maging dahilan ng pag-impeach kay Aquino.


Mula sa kanyang kapabayaan sa tungkulin, kawalan ng wasto at tukoy na programang pambayan at pagiging mala-diktador sa sistema ng kanyang rehimen – hindi lang daw sapat kundi sobra-sobra na.


Kongkreto ang kanyang pabayang liderato sa mga kababayan natin na biktima ng mga nagdaang bagyo sapul pa noong 2010.


Mula noon hanggang ngayon ay ni hindi sila nabibigyan man lang ng tulong pabahay.


Hayan ang bagyong Agaton ngayon. Binayo niya ang Mindanao na winasak nina bagyong Sendong at Pablo. Hindi lang iyan, idinamay pa ni Agaton ang kawawasak lang na mga lalawigan sa Visayas ni bagyong Yolanda.


Sa halip na ayusin, namulitika pa!

Noong kasagsagan ng impeachment kay Corona ay lumutang na ang mga bilihan ng boto para maalis ang dating punong mahistrado.


Umamin ang maraming kongresista at ilang senador.


Sina Senador Franklin Drilon, Juan Ponce Enrile at Chiz Escudero ay hindi itinanggi na binigyan sila ng mahigit tig-isandaang milyong piso.


Ang ibang senador, P50 milyon. At mga kongresista?


Hmm, mula P25 milyon hanggang mahigit P50 milyon! Sarap nila ano?


Teka, hindi raw lagay iyon. Dagdag daw na pork barrel dahil “masisipag” at “masunurin” silang nabigyan ng “impeachment reward!” Ang budget ay hindi rin mula sa PDAF kundi sa kwestiyunableng DAP!


Sa totoong posturang ito, masasabi ba na matatag pa rin kontra sa impeachment si Pangulong Noynoy Aquino?


The post MATATAG NGA BA SI PANGULONG AQUINO? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MATATAG NGA BA SI PANGULONG AQUINO?


No comments:

Post a Comment