3-Year-Old Local Fillies ngayon
Hahatulan na ngayon ang siyam na kalahok kung sino ang magiging karapat-dapat na maging contender sa pinapangarap na Triple Crown Championships sa pag-alagwa ng 2014 Philracom 3-Year-Old Local Fillies race sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Sa mga kalahok, higit na pinapaboran ng mga karerista ang alaga ni Joseph Dyhengco- ang Skyway- habang itinuturing naman na mahigpt na kalaban ang pambato ni Ruben Dimacuha- ang Up and Away.
Kabilang sa mga magtatangka para sa titulo ang Bacolod Princess, Bahay Toro, Kasilawan at couple entry nito na That is Mine, Love na Love, The Lady Wins at Tiger Queen.
Tatanggap ng P.3 milyon ang mananalo habang P112,500 ang ikalwang puwesto, P62,500 sa 3rd placer at 25,000 sa 4th place. Mabibiyayaan naman ng P15,000 ang breeder sa mananalong kalahok.
Tatawid sa distansiyang 1,500 meters ang mga kalahok na siyang magsisilbing tuneup match sa hanay ng mga babaeng mananakbo para sa nalalapit na TCC.
Ang Triple Crown Championship ay itinakda sa Mayo 18 sa bakuran ng Metro Manila Turf Club Inc. sa Malvar, Batangas.
Bukod sa nasabing karera, matutunghayan din ng mga karerista ang Class Division at Special Handicap races.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment