SINO kaya ang aktor na tinatawag na kapre ng mga taga-production ng isang TV network?
Narinig namin nang hindi sinasadya na pinag-uusapan ng ilang empleyado ng TV network ang aktor na tinawag nilang kapre
“Heto na naman si Kapre, sobrang yabang,” sabi sa umpukan na ng mga empleyado ng istasyon na natabihan namin. “I’m sure bida-bida na naman.”
Na-curious tuloy kami, kasi wala naman kaming nakitang artistang lalaki sa paligid namin nang maaaring tinutukoy nila.
Siyempre nag-imbestiga tuloy kami kung sino si Kapre at ito ang kuwento sa amin:
“Ah, si _____ (pangalan ng aktor), ano kasi ‘yan sobrang epal, akala mo kung sinong sikat, wala naman napapatunayan pa, kung hindi pa madikit pangalan niya kay _____ (pangalan ng sikat na aktres), wala naman ‘yan.
“Nagtataka nga lahat kung bakit ‘yan sumikat, wala namang talent! Hindi pa maganda ang ugali. Eh, paborito pa ng boss (pinakamataas na boss ng network), siguro nagayuma, ha-ha –ha!”
Susme, nang malaman namin kung sino ang tinatawag na kapre, Bossing DMB, humagalpak kami ng tawa kasi, oo nga, bagay na bagay ang bansay sa kanya, ha-ha-ha-ha.
Pero in fairness, guwapo si Kapre, ha at mabango naman, pero hindi ko type magdamit kasi low waist ‘tapos bitin pa ang pantalon at mahilig magbota.
At may bago pa akong nalaman, Bossing DMB, buwisit na buwisit kay Kapre ang mga empleyado ng network na kinabibilangan niya. –Reggee Bonoan
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment