Friday, January 17, 2014

P40,000 ayuda sa ‘Yolanda’ victims, tinabla ng Malacañang

Iginiit ng Malacañang na mayroong limitasyon sa national budget hinggil sa pagpapalabas ng P40,000 cash assistance sa kada pamilya na naapektuhan ng super typhoon “Yolanda.”


Mahigit sa 10,000 typhoon survivor at mga nakikisimpatiya ang lumagda sa isang petisyon na nananawagan kay Pangulong Aquino na magpalabas ng P40,000 sa bawat pamilya na nasalanta ni ‘Yolanda” bago sumapit ang Pebrero 14.



Binatikos ng mga ‘Yolanda’ survivor ang usad-pagong na rehabilitasyon na isinasagawa ng gobyerno sa maraming naapektuhang lugar sa Easter Visayas, kaya mas kinakailangan ng mga biktma ng ayudang pinansiyal upang makabangon sa kalamidad.


Subalit sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na mayroong limitasyon ang cash assistance na kukunin sa national budget.


Aniya, kailangan munang talakayin ni Pangulong Aquino at ibang ahensiya ng pamahalaan ang petisyon hinggil sa P40,000 cash assistance.


“We try to make do with the attendant benefit – meaning socialized housing and other programs that try to address their needs apart from relief,” paliwanag ni Valte.


“It will have to be discussed at least by the relevant agencies with the President on how feasible that would be,” dagdag ng opisyal. – Madel Sabater-Namit


.. Continue: Balita.net.ph (source)



P40,000 ayuda sa ‘Yolanda’ victims, tinabla ng Malacañang


No comments:

Post a Comment