VIGAN CITY – Patay ang 92-anyos na babae nang matusta sa sunog sa Barangay Sacuyya, Santa, Ilocos Sur kahapon.
Kinilala ng Vigan City police ang biktima na si Lucena Galinato, ng Barangay Sacuyya, nasabing lalawigan.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), na-trap ang biktima sa loob ng kanilang bahay ng maganap ang sunog.
Nailigtas naman ang kapatid nitong ni Anastacio Galinato, 82, binata, ng nasabing barangay.
Naunang inilabas si Anastacio at ng balikan nila si Lucena ay malaki na ang apoy.
Ayon sa local na BFP, posibleng sindi ng sigarilyo ang pinagmulan ng sunog.
The post 92-anyos lola natusta sa sunog sa Vigan appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment