Just remember that it’s true: it takes rain to make rainbow, lemons to make lemonade and sometimes it takes difficulties to make us stronger and better people.
Maraming mabibigat na problema na hindi akalain nating darating. Tatatag tayo sa problema kung atin agad lulunasan ang bawat dating nito. Hihintayin pa ba natin maging ganyan katindi ang ating suliranin?
Narito ang isang istorya ng mag-asawa na pili pinagkakasya ang maliit na kita ng mister. Tumulong si Misis sa pamamagitan ng pagtitinda sa bangketa ng palengke ngmga prutas.
Hindi naman sila kumuha ng Marriage Encounter ngunit iyong ginagawa ng mag-asawa pagkatapos ng seminar ang kanilang ginagawa.
Bumibili sila lagi ng kuwaderno at doon nila isinusulat ang mga problema nila araw-araw.
Pagkahapunan ay pinagagawa na nila ng homework ang kanilang limang anak.
Hindi sila bumili ng telebisyon pagkat iya ay pansira raw ng magandang samahan ng mag-anak.
Napagkasunduan ng mag-asawa na pagkatapos ng hapunan ay isusulat nila ang kanilang biyayang tinanggap sa Diyos sa araw na iyon at lakip ang kanilang pasasalamat.
Sa hulihan ay naroon ang problema nila at mungkahi kung paano lulutasin ang problemang iyon.
Minsan ay malaki at minsan ay maliit lamang ang suliranin na dumating sa araw na iyon.
Iyon ang pampatibay ng kanilang dibdib. Iyon ang pampapalakas ng kanilang puso.
Naroong lagi ang pagbanggit sa Panginoon sa kanilang pasasalamat at paghingi sa Kanya ng tulong.
Naging karaniwan sa mag-asawa ang pagdating ng problema maging matindi man ang suliranin.
Naroon ang Poon na kasama nila sa bawat hamon na dumating.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment