Naging bangungot para sa isang pamilya ang pagpatay ng isang lalaking lulong sa ipinagbabawal na gamot sa ama, kapatid, hipag at kasambahay nito sa lalawigan ng Camarines Sur kamakalawa.
Namatay din ang suspek na si Anthony Sepeda na nagbaril sa sarili nang tangkaing arestuhin ng pulisya.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen New San Roque, Pili, Camarines Sur dakong 4:00 ng hapon kamakalawa. Armado ng kalibre .45. at naka-bulletproof vest ang suspek nang mamaril at magwala sa loob ng kanyang bahay sa nasabing barangay. Isang kapitbahay pa ang tinamaan ng ligaw na bala.
Nagkulong sa loob ng kanyang kuwarto ang suspek nang dumating ang pulis dakong 3:00 ng hapon. Makalipas ng isang oras, isang putok muli ang kanila narinig kaya nagpasya na ang na ang mga pulis na miyembro ng Special Weapon and Tastics (SWAT) na pasukin ang bahay.
Unang natagpuang patay sa loob ng silid ang ama, kapatid, hipag at ang kasambahay sa ikalawang palapag ng bahay. Natagpuan namang may tama sa sentido si Sepeda sa kuwarto nito.
Nagwala umano ang suspek matapos tangkain ng pamilya na ipa-rehab siya dahil sa pagkalulong sa droga. – Fer Taboy
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment