Friday, January 17, 2014

Pagkuha ng banyagang manggagawa sa bansa, pinag-aaralan pa – Coloma

Ni Genalyn Kabiling


Wala pang pinal na desisyon ang gobyerno sa panukalang pahintulutan ang mga banyagang manggagawa sa labor market ng bansa.


Sinabi ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na pinag-aaralan pa ng gobyerno ang panukalang kumuha ng mga banyaga para sa ilang hard-to-fill occupations sa bansa.



Binigyang diin ni Coloma na ang pangunahing prayoridad ng gobyerno ay ang paglilikha ng mga trabaho upang mabawasan ang unemployment sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa industriya.


“DOLE (Department of Labor and Employment) is presently working with the private sector in reviewing the Philippines skewed occupational shortage list, which is a recommendation of various industries,” sabi ni Coloma sa news conference sa Palasyo.


Sinabi niya na naunang inirekomenda ng industriya sa DOLE na buksan ang 15 kategorya ng highly-skilled occupations sa posibilidad ng foreign employment dahil sa kakulangan ng lokal na manggagawa.


“So the proposal is still under study if there is really a need for it. The decision will be the outcome of dialogue and consultation,” giit ni Coloma.


Nilinaw ni Coloma na mali ang mga ulat na pinayagan na ng gobyerno ang pagpasok ng mga banyaga para punan ang 15 occupations na nangangapa sa manggagawa.


Kabilang sa hard-to-fill jobs ang architect, chemical engineer, chemist, environmental planner, fisheries technologist, geologist, guidance counselor, licensed librarian, medical technologist, sanitary engineer, pilot at aircraft mechanic.


Sinabi ni Coloma na ang occupational shortage ay dapat na magsilbing senyales mga Filipino professional sa ibang bansa na umuwi sa bansa “to fill this gap.”


Sinabi niya na maaari ring i- realign ng mga eskuwelahan ang mga kurso para matugunan ang demand para sa highly-skilled workers.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pagkuha ng banyagang manggagawa sa bansa, pinag-aaralan pa – Coloma


No comments:

Post a Comment