Monday, January 27, 2014

Pagdalaw kay CGMA ng mga obispo, sinalag ng CBCP

IDINEPENSA kaninang umaga, Enero 27, ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na walang bahid pulitika o anupaman, ang pagdalaw ng mga Obispo kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo nitong nakaraang araw ng Linggo.


Sinabi ni CBCP President Archbishop Socrates Villegas, hindi naman pinagbabawalan ang mga alagad ng simbahan na bumisita sa dating pangulo at depende ito sa kanilang paniniwala.


Maging si retired Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, na kilalang kritiko ni CGMA ay walang nakikitang mali sa pagbisita at pagdaos ng misa ng mga Obispo na maging siya ay dumalaw na rin sa dating punong ehekutibo.


Kabilang sa mga obispong dumalaw at nagdaos pa ng misa para kay CGMA sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) nitong Linggo ay sina Nueva Caceres, Naga Archbishop Rolando Tirona, Tandag Archbishop Nerio Odchimar, Quezon Bishop Emilio Marquez, retired Tuguegarao Archbishop Diosdado Talamayan at Nueva Vizcaya Bishop Ramon Villena.


Ilan pa sa mga personalidad na bumisita na rin kay Arroyo kamakailan ay sina dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Erap Estrada at dating unang ginang at kasalukuyang Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.


The post Pagdalaw kay CGMA ng mga obispo, sinalag ng CBCP appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagdalaw kay CGMA ng mga obispo, sinalag ng CBCP


No comments:

Post a Comment