Monday, January 27, 2014

‘Heads must roll’ sa DA – Solons

HINDI palulusutin ng mga kongresista ang pagkukulang ng mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) pagdating sa isyu ng importasyon ng bigas.


Sinabi ni Anakpawis Rep. Fernando Hicap na mukhang kinukunsinti ng gobyerno ang pagpupuslit ng mga imported na bigas.


“By the looks of it, rice smuggling happened with government consent. Heads must roll at the DA and NFA over rice smuggling. Massive rice smuggling happened right under their noses and they didn’t do anything to stop it,” ayon kay Hicap.


Pinagpapaliwanag din ng mga kongresista sina Agriculture Secretary Proceso Alcala at NFA Administrator Orlan Calayag dahil sa mga kwestyunableng importation permits.


Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture sa pamumuno ni Batangas Rep. Mark Leandro Mendoza ay isinumite ng NFA ang listahan ng importers ng bigas na nabigyan nito ng import permit.


Sinabi sa pagdinig ni BUTIL Rep. Agapito Guanlao na 200 mga nag-aangkat ng bigas ang kasama sa listahan at ang karamihan dito ay mga kooperatiba ng mga magsasaka pero mayroon ding mga pribadong korporasyon.


Iginiit naman ni Leyte Rep. Andres Salvacion na kailangang siyasatin ang mga import permit na naibigay sa importers dahil maaaring naire-recycle ito at nagagamit sa smuggling.


Hinamon din ni Salvacion ang NFA na huwag pairalin ang favoritism sa importasyon ng bigas dahil ang prayoridad sa permit ay yaong makapagbibigay ng magandang halaga sa mga ito.


Agad namang isinulong nina Akbayan Rep. Walden Bello at Northern Samar Rep. Emil Ong na ipatawag sa susunod na pagdinig sina Alcala at Calayag.


Binigyang diin ni Bello na kailangang mapagpaliwanag si Alcala dahil ang rice smuggling ay nag-uugat sa problema sa polisiya ng departamento nito.


Ayon naman kay Ong, kailangang mahanapan agad ng solusyon ang rice smuggling dahil base sa pagtaya ng mga grupo sa agriculture sector ay 10 beses ang bigat ng dagok nito sa bansa kumpara sa P10 bilyong pork barrel scam ni Janet Lim Napoles.


The post ‘Heads must roll’ sa DA – Solons appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Heads must roll’ sa DA – Solons


No comments:

Post a Comment