MAY dumulog na sa Department of Justice (DoJ) kaugnay sa kasong pambubugbog sa Kapamilya actor-TV host na si Vhong Navarro.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, may humiling sa kanya ng pulong, pero tumanggi siyang tukuyin kung kampo ni Navarro o ang inaakusahang nam-blackmail na sina Deniece Cornejo at Cedric Lee.
Sinabi naman ng kalihim na interesado rin silang imbestigahan ang insidente para malaman ang katotohanan at mabigyan ng hustisya ang sinumang tunay na naagrabyado.
“This is worth investigating because we have two different versions. Kailangan ['yung] hustisya makuha [ng] kung sino [man ang] tunay na biktima… I’m sure the truth will prevail.”
Blangko pa si De Lima kung may natanggap ng reklamo ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng insidente.
Sa kuwento ni Navarro, binugbog, tinakot at hiningan siya ng P1 milyon ng grupo ni Lee noong Miyerkules ng gabi matapos palabasin na ni-rape niya si Cornejo.
Wala pa namang pahayag ang kabilang panig sa eskandalo.
The post Kampo ni Vhong Navarro, dumulog sa DOJ appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment