Ni Phoebe Jen Indino
Inilarawan ni Cebu Archbishop Jose Palma, sa kanyang New Year’s Eve mass homily, ang 2013 na taon ng kalungkutan at luha dahil sa serye ng mga kalamidad na tumama sa bansa.
GayunMan, binigyang diin din niya na sa kabilang ng mga pinsala, mayroon pa ring dahilan para magdiwang.
Sinabi ni Palma na maalala ng maraming tao ang 2013 na taon ng pagluluksa at pagluha dahil sa killer earthquake noong Oktubre 15 at super typhoon “Yolanda” noong Nobyembre 8 na pumatay ng mahigit 6,000 katao.
“As we bid goodbye to 2013, everyone is encourage to pray for those who perished. We pray for the repose of the souls of the departed,” aniya.
“But even if 2013 was said to be a year of sadness and tears, we also have reasons for celebrations and cheers as we walk towards the path of recovery,” dagdag ni Palma.
Binigyang diin ni Palma ang kahalaganan ng buhay, isang regalo na dapat nating ipasalamat sa Diyos. Sa pagkatuto natin sa aral ng nakalipas, dapat nating mas higit na pasalamatan ang kaloob na buhay, aniya.
PAGTULONG SA KAPWA
Sa Vatican City, ginamit ni Pope Francis ang kanyang year-end prayer service noong Martes upang himukin ang mga tao na tanungin ang kanilang mga sarili: Iginugol mo ba ang 2013 sa pagsulong sa iyong pansariling interes lamang o sa pagtulong sa iyong kapwa?
Ito ang dapat nating pagnilayan sa pagdiriwang natin ng Bagong Taon, sinabi ng papa sa pamumuno niya sa service sa St. Peter’s Basilica upang magpasalamat, ang tradisyon ng Vatican sa pagtatapos ng taon.
“Let us courageously ask ourselves: How did we live the time (God) gave us?” sabi ni Francis sa kanyang homily. “Did we use it above all for ourselves, for our interests, or did we know how to spend it for others as well?”
Hinikayat din niya ang mga tao na pagnilayan kung iginugol nila ang 2013 upang mapabuti ang kanilang mga bayan. “This year did we contribute, in our own small ways, to make it more livable, orderly, welcoming?”
“[There are] so many people marked by material and moral poverty, poor people, unhappy, suffering, who appeal to the conscience not only of public authorities but of every citizen,” sabi ni Francis.
“All have the right to be treated with the same attitude of welcoming and fairness because everyone carries human dignity,” ani Francis. – The Associated Press
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment