Pabor ang Palasyo sa panukalang ipagbawal ang mga paputok bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga biktima nito tuwing sinasalubong ang Bagong Taon.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na sinusuportahan nila ang panukala ni Department of Health Secretary (DoH) Secretary Enrique Ona na tuluyan nang ipagbawal ang paputok at maghanap ng mga ligtas na alternatibo sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ito ay matapos maitala ng DoH ang malaking pagtaas sa bilang ng mga biktima ng paputok – halos 600 ngayong Bagong Taon kumpara sa 419 noong nakaraang taon.
“Kaisa kami sa pahayag na ito ni Sec. Ona ng DOH. Panahon na upang magkaroon ng ligtas na alternatibo sa mapanganib na pagdiriwang ng Bagong Taon,” sabi ni Coloma.
Una nang hiniling ni Ona sa Kongreso na ipasa ang isang panukala na tuluyang magbabawal sa mga paputok sa bansa.
Panukala ng Kalihim na iisa na lamang na awtorisadong komunidad ang papayagang pangaswiaan ng mga responsableng indibiduwal, lokal na opiysal at organisasyon upang gumamit ng mga paputok sa mga itinakdang lugar ng gobyerno. – Genalyn D. Kabiling
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment