Sinasalubong ng mga Pilipino ang Bagong Taon 2014 nang may pag-asa at pananabik para sa positibong mga pagbabago. Ang unang araw ng taon ay inilalaan upang gumawa ng mga resolution. Ang resolution ay isang pangako hindi lamang sa sarili kundi para rin sa ating mga pamilya, mga kasama sa trabaho, at mga kaibigan. Ito ang panahon na pagnilayan ang nagdaang 12 buwan, ang mga aral na idinulot ng mga ito, at kung paano nito gagabayan ang ating pamumuhay.
Ang New Year’s resolutions ay maaaring iang listahan ng mga gagawin sa buong taonupang mabago ang ating mga nakagawian, mapaangat ang pamumuhay, maging mas mabuting tao, at ang pagsisimulang muli. Ang popular na New Year’s resolutions ay ang paghinto sa paninigarilyo o pag-inom ng alak, ang pag-aarala nang mabuti, mag-impok, pangasiwaan ang oras, ang umiwas sa stress, pagkain ng healthy food, magbawas ng timbang, at mag-exercise. Maaari ring mapabilang sa listahan ang isang pangako na gumawa nang tama. Tradisyon na sa mga Pilipino ang gumawa ng New Year’s resolutions sa panahon ng Kuwaresma, na panahon din para magtika.
Upang magtagumpay ang isang pangako, mangangailangan ng commitment at determinasyon. Kapag natupad naman ang pangako, naroon ang mas mainam na pakiramdam. Mahalaga rin ang huwag gumawa ng mga resolution na mahirap sundin. Ayon sa isang pag-aaral, may mga hakbang upang matiyak na makakamit ang mga layunin upang maging matagumpay ang taon: Alamin ang core values na magbibigaygana. Kailangang maging malinaw ang mga layunin. Magkaroon ng tiyak na plano at isulat ang mga iyon, at pagkatapos, magsikap.
Ang tradisyon ng paggawa ng resolutions ay nagsimula pa noong sinaunang panahon kung saan nangako ang mga taga-Babylonia sa kanilang mga diyus-diyosan sa pagsisimula ng bawat taon na na isasauli nila ang kanilang mga hiniram na bagay. Ang mga Roman naman sinisimulan ang bawat taon sa pangangako sa diyus-diyosang si Janus, kung saan hango ang pangalan ng buwan ng January. Naniniwala sila na si Janus, na may dalawang mukha na lumilingon sa pinanggalingan at pupuntahan, ay nakikita sa hatinggabi ng huling araw ng Disyembre ang sabay na papalabas at papasok na mga taon. Noong medieval age, nagsasagawa ang mga knight ng “peacock vow” sa pagtatapos ng panahon ng Pasko upang muli silang magbalik sa pagiging magalang at mapagbigay. Ang mga religious tradistion tulad ng Rosh Hashanah o ang Jewish New Year’s Day at nagtatapos sa Yom Kippur o Day of Atonement ay isinasagawa upang pagnilayan ang mga nagawa sa buong taon na nagdaan at humingi ng kapatawaran.
Ang 2014 ay isang bagong simula para sa mga Pilipino, gabayan man sila ng isang resolution o hindi, ang lahat ay nagsisikap na maging mas mabuti at para sa mas produktibong taon. Ang buong taon ay nagbibigay sa bawat Pilipino ng oportunidad na makamit ang katuparan at kaligayahan sa paggawa ng mabuti sa kapwa, lalo na sa mga nangangailangan. Maghatid nawa ang Bagong Taon ng mas maraming biyaya at kaligayahan upang ibahagi sa iba. ISANG MAPAYAPA AT MASAGANANG BAGONG TAON SA LAHAT!
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment