Inatasan ng Korte Suprema na humarap sa oral argument sina Energy Secretary Jericho Petilla, Energy Regulatory Chairperson Zenaida Ducut at Philippine Electricity Market Corporation President Melinda Ocampo.
Sa apat na pahinang kautusan, inaasahan ng hukuman na masasagot ng tatlong nabanggit ang mga isyung teknikal na tatalakayin sa oral argument sa power rate increase sa Enero 21.
Kasabay nito, inilabas din ng Supreme Court (SC) ang mga isyung tatalakayin sa oral argument at kasama rito ang mga sumusunod:
- Kung nararapat ba ang legal remedy na inihain ng petitioner kaugnay sa power rate hike;
- Maituturing bang justifiable o makatuwiran na isalang sa pagdinig sa korte ang nasabing kaso;
- Kung ang pag-apruba ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa hiling na pagtataas ng Meralco sa kanilang singil ay maituturing na grave abuse of discretion; kung ito ba ay paglabag sa rights to due process ng mga petitioner at kung ito ba ay matatawag na paglabag sa Konstitusyon at sa itinatakda ng EPIRA Law na nagbibigay ng proteksyon sa publiko laban sa mga pag-aabuso sa merkado;
- Maituturing ba na paglabag sa due process of law ang pag-amyenda sa Section 4-e, rule 3 ng Implementing Rules and Regulation ng EPIRA na nagpapahintulot sa automatic rate adjustments para mabawi ang generation cost;
- Maituturing ba na pagsuko sa regulatory function ng ERC na paglabag sa EPIRA Law ang pagpapahintulot sa automatic rate adjustment na ang layunin ay mabawi ang generation cost.
- Beth Camia
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment