Friday, January 17, 2014

Ex-traffic enforcer, arestado sa pangongotong

Hindi na nakapalag ang isang dating traffic enforcer nang arestuhin ng mga tauhan ng Pasay City Police-Intelligence Division dahil sa umano’y pambibiktima at pangongotong ng mga dayuhan sa lungsod.


Kinilala ni Senior Insp. Benson Pimentel, hepe ng Intelligence Division, ang naarestong suspek na si Virgillo Abenoja, habang suot pa ang jacket na may imprenta ng “Traffic Enforcer” na pinaniniwalang ginagamit niya sa pangingikil sa mga foreigner sa Pasay.



Unang nakatanggap ng sumbong ang tanggapan ng pulisya mula sa concerned citizens hinggil sa ilegal na gawain ng suspek hanggang sa natiyempuhan siya ng awtoridad sa Malibay Street dakong 8:00 ng gabi nitong Huwebes habang naghihintay ng kanyang mabibiktimang dayuhan sa lugar.


Agad na inaresto ng mga pulis si Abenoja at nakumpiska sa kanyag pag-iingat ang tatlong lisensiya na sinasabing biktima ng suspek, isang relo, isang cellphone at booklet ng Traffic Management Code na pinaniniwalang ginagamit nito bilang panakot sa kanyang mga nahuhuli.


Lumitaw na sinibak sa trabaho ang suspek ng pamahalaang lokal ng Pasay dahil sa dami ng reklamong kanyang kinakaharap.

Kinatatakutan din umano ng kapwa traffic enforcer ang suspek dahil sa madalas nitong pagdadala ng hindi lisensiyadong baril. – Bella Gamotea


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Ex-traffic enforcer, arestado sa pangongotong


No comments:

Post a Comment