Saturday, January 4, 2014

Napuno na sa mga basher at hater!

KAPUSO primetime queen Marian Rivera and heartthrob Alden Richards will team up for the firs time in the upcoming GMA telebabad series, ‘Carmela’.


Sa panayam sa kanila, unang nagpahayag ng mensahe si Marian para sa kanyang fans na matagal din siyang hindi nakita on primetime screen. Sabi niya:

“Hayan sa mga minamahal ko at mga nagmamahal sa akin, malapit na po ang soap opera ko sa unang taon ng 2014. Makakasama ko si Alden at abangan n’yo ang istorya naming dalawa na tiyak na magugustuhan n’yo dahil para po sa inyong lahat ito.”


Samantala, kakaiba and mature na Alden naman ang tiyak na aabangan ng lahat. Ano naman ang masasabi rito ng aktor?


“Opo, isang bagong Alden kasama si Ms. Marian ang mapapanood n’yo rito. Hindi namin kayo bibiguin. Kung ano ang ini-expect sa magiging outcome ng soap naming ito, ‘yun ang ibibigay namin sa mga viewers or higit pa!”


Dagdag pa ng ackor, ito na raw ang career move niya. Goodbye na raw sa mga pa-tweetums image kasi gusto raw niya na masubukan ang lahat lalo na’t si Marian pa raw ang magiging kapareha niya.


‘Yun nah!


@@@

INAMIN ng singer/actor na si Sam Milby na hindi pa siya nakahahanap ng tamang pagkakataon upang maipakilala ang nililigawan niyang si Jessy Mendiola sa kanyang mga magulang. Kwento niya:


“Hindi pa nangyayari. We haven’t had much time to see each other. Sobrang busy rin niya. But we still keep in touch.”


Matatandaang nabanggit ni Sam sa nakaraang panayam sa kanya ng entertainment press na balak niyang ipakilala ang babaeng nililigawan sa kanyang pamilya.

Nagkataon kasing nagbabakasyon ngayon sa Pilipinas ang mga magulang ng aktor na nakabase sa Ohio, U.S.A. ngunit pareho raw abala sa trabaho at hindi nagtutugma ang schedule nina Sam at Jessy.


Tutok si Sam sa pag-promote ng MMFF entry na KIMMY DORA habang si Jessy naman ay abala sa taping ng teleseryeng MARIA MERCEDES at mga out-of-town show.


Dagdag pa ni Sam, “Even me, I haven’t been able to spend as much time with my family. May trabaho pa rin and they understand naman na may work. It was just nice at least, nu’ng Pasko we were able to spend time with each other.”


Sa palagay niya, kailan ba ang tamang panahon para ipakilala niya si Jessy sa kanyang mga magulang?


“On the right time siguro ‘pag may time. ‘Yun lang. Tingnan natin,” sabi pa niya.


Bagama’t bukas ang aktor sa pagsasabing nililigawan niya si Jessy, hindi nagmamadali ang Rockoustic Heartthrob na magbunga ang panunuyo niya sa actress dahil maghihintay naman siya kahit matagal pa raw ang ligawan.

Pak!


@@@

BAGO maghatinggabi nitong nakaraang December 30, 2013, labing-pitong sunod-sunod na Twitter post ang ibinahagi ni Sharon sa kanyang halos 700,000 followers. Ito na ba ang hudyat na napuno na nga ang Megastar sa mga basher at hater na bumabatikos at nanlalait sa kanya over the Twitter?


Hanggang saan kaya ang pisi ng Megastar para sa kanyang mga follower na tuwing magpo-post siya, marami ang negative comments sa naturang social media site. Kwento nga ni Sharon, naaalala niya noong simple lang daw ang buhay:


“I remember when life was simpler and when people had some degree of respect for one another because it was just a natural being… And when one had an issue with someone, it was discussed face to face or closed by a well-meaning 3rd person… I have worked hard for 36 years, have earned respect the hard way. Worked maybe even harder than any other actress because I wanted to prove I wasn’t just what they called me which was ‘poor little rich girl.”


Kasunod nito, sinabi ng Kapatid network contract star na may respeto siya sa kanyang kapwa.

Hindi lang daw niya maintindihan kung bakit sa Twitter ay may mga taong walang magawa kundi ang

manira ng kapwa.


The post Napuno na sa mga basher at hater! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Napuno na sa mga basher at hater!


No comments:

Post a Comment