Saturday, January 4, 2014

Napatunayang siya talaga ang box-office queen!

HANDS off na kami sa laki ng kinita ng pelikula ni Vice Ganda, ang “Girl, Boy, Bakla, Tomboy.”

Bilib na kami na kayang-kaya niyang mag-solo sa pelikula. Kahit pa walang malalaking artistang kasama, kaya niya itong dalhing mag-isa. Say mo Kris at Ai Ai, kahit nagsara na ang MMFF pagkaraan ng sampung araw na palabas nito sa mga sinehan, hataw pa rin ito sa takilya kahit na mangilan-ngilan na lamang ang pila, at least pila pa rin na matatawag.


Slim margin na lang ang lamang ng “My Little Bossings”. Ayon sa nabasa naming figure, ang kita nila ngayon ay umabot na sa P230 million plus at ang kay Vice Ganda raw ay nasa P229 million plus.


Malapit na at halos dikit na sila. May sumigaw na mahaderang bakla. ‘Di ba naman kasuwerte niya at kanyang taon talaga ang Year of the Horse.


Nabigla kami sa tinuran ng bakla at napatingin na lang kami sa sky at sa loob-loob namin, oo nga pala, kabayo.


Charing! Aminin man ng iba riyan o hindi, kahit pa mataray itong si Vice to the point na may pagkabastos na minsan, still, napatunayan niya na siya talaga ang takilya queen.

-0-

NATUWA si Aling Rosenda na mapapanood na niyang muli ang isa sa mga paborito niyang artista na si Camille Prats na may gagawing teleserye sa Siyete, ang Borrowed Wife.


Nakaiintriga raw ang

pagka-title nito at nakasasabik panoorin kung bakit ito ang title. Maraming buwan na ang nakararaan na huli raw niyang napanood sa “Munting Heredera” kasama sina Mark Fernandez at Gloria Romero.


Nakapag-taping na ang Borrowed Wife na kasama rin sina Pauleen Luna na siya yata ang bale kontrabida rito at ang dalawang guwapong hunk actors na sina Rafael Rosell at TJ Trinidad, ‘di lang namin alam kung sino sa dalawa ang leading man ni Camille. Ito’y sa direksiyon ni Gil Tejada.

-0-

TOTOO bang may bawian ng trophy na mangyayari? Nabalitaan namin na babawiin daw kay Maricel Soriano ang kanyang trophy bilang Best Actress ng 2013 Metro Manila Film Festival. Parang Ate Vi

noong 1970′s nang tanghalin itong Best Festival Actress ng Manila Film Festival dahil sa ginawa nila ni Direk Celso Ad Castillo, ang “Burlesk Queen” na halos lahat ng awards ay nakopo ng nasabing pelikula. Naging

usap-usapan ‘yon at kontrobersyal. Walang nagsoli ng trophy lalo na ang star for all seasons. Dahil nga award ito sa kanya at hinirang siyang Best Actress. Pinanindigan niya na hindi niya isosoli ang trophy dahil hindi naman niya ito hiningi.


Ngayon, si Maricel naman ang pinagdediskitahan. Hindi raw karapat-dapt na mapasakanya ang

trophy. Mas deserving naman daw sila Eugene Domingo at KC Concepcion.


Ang MMDA raw ang babawi dahil hindi raw um-attend si Maricel sa Gabi ng Parangal. Parang

naalala namin ang sinabi ni Chairman Francis Tolentino na hindi ibibigay ang award sa sinomang hindi dadalo sa okasyon na kasali sa pelikulang ipinalabas.Pati na rin ang

magwo-walkout sa nasabing parangal ay pagmumultahin at kung ano-ano pang mga bawal. Baka iyon na’yon. Baka naman kaya hindi

um-attend ang Inang Marya sa dahilang expected niyang hindi siya ang mananalo dahil ‘di naman kagandahan ang role nito at alam din niyang mabibigat din ang kanyang mga kalaban. Iyan kaya ang dahilan na wala siya roon sa Gabi ng Parangal? Just asking.


Ciao Bambino!


The post Napatunayang siya talaga ang box-office queen! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Napatunayang siya talaga ang box-office queen!


No comments:

Post a Comment