Saturday, January 4, 2014

‘Di nag-uusap bagama’t formally introduced

ANYTIME now ay mari-reveal na sa teleseryeng Positive ng TV5 na si Helga Kraft na gumaganap bilang misis ni Martin Escudero ang nagdulot sa kanya ng HIV. Nakuha naman ni Helga ang HIV sa dati niyang boyfriend na isang Fil-Am.


Super emote raw si Helga sa moment niya kung saan mari-reveal na kay Martin na siya ang carrier ng sakit nito. Humugot daw si Helga ng emosyon sa role niya sa pag-iisip na what if meron nga siyang malubhang sakit, not necessarily HIV, at maiiwan niya ang real parents niya?


“Kasi ako po, kasama ng parents ko sa bahay namin. Kapag nawala ako, wala silang makakasama. Dalawa lang po kasi kaming magkapatid. May family na ‘yung kapatid ko. ‘Yung daddy ko po, 80 na. Ang mommy ko po, 62. Late na sila nagkita,” lahad niya.


German ang daddy ni Helga at Pinay naman na taga-Pangasinan ang kanyang ina. Retired seaman ang daddy niya at dito nakilala ang kanyang ina. Love na love raw ng daddy niya ang Pilipinas kaya rito na sila sa Pilipinas tumira. Pero ipinanganak at lumaki si Helga sa Germany. At nu’ng ten years old na siya, bumalik sila ng Pinas.


Bukod sa “Positive”, may movie rin si Helga sa TV5, ang “Halik sa Dilim.”


“Eto ‘yung last project na ginawa ni JC (de Vera) sa TV5. Actually, it’s a tele-sine. Ang direktor po, si Direk Argel Joseph. Ang alam ko, ‘yung isang tele-sine nila, January ipapalabas, so, I think sunod-sunod na raw po ata ‘yun,” tsika sa amin ni Helga.


Dahil sa tele-sine na ‘yan, si JC raw talaga ang first niya kaeksena sa kissing at love scenes at ‘di si Martin.

-ooOoo-

GANDANG-GANDA kami sa young star na si Bea Binene every time na nakikita namin s’ya. Kahit noon pa man, bet na namin siya among her contemporaries sa hanay ng GMA 7 stars.


Nag-blossom pa lalo ang ganda n’ya sa dinner treat n’ya para sa PMPC (Philippine Movie Press Club) carolers. Punong-abala sa pag-iistima sa amin ang butihing ina ni Bea na si Mommy Carina.


Si Mommy Carina rin ang nagpaalala sa amin na it’s been a year nu’ng nagkita kami sa isang car shop sa San Juan. Sakto kasi na pina-process na ang babayaran nilang kotse nu’ng sumilip kami ng Starex van sa loob ng car shop.


One year na ang black Hyundai Starex van ngayon ni Bea na gamit-gamit n’ya sa lahat ng lakad n’ya. According to her mom, two million pesos daw ang bili nila sa kotse. And mind you, binayaran ni Mommy Carina ang halaga ng kotse in full and in cash, huh!


“Para wala na kaming isipin na babayarang kotse,” sey ni Mommy Carina.


At least daw, ‘yung bahay na binili nila ang tanging hinuhulugan nila ngayon.


Madaling-madali na kina Bea na bayaran ang monthly amortization ng bahay dahil tuloy-tuloy naman ang mga show ni Bea sa GMA 7. Tatlo raw ang shows ni Bea sa Kapuso network kabilang na ‘yung sa QTV-11. Kasama sa Pepito Manaloto at Vampire ang Daddy ko si Bea.


At the same time, renew nang renew rin si Bea sa mga endorsement niya. Among them ay ang BNY shirts na pareho nila ngayong ini-endorse ni Daniel Padilla.


Agaw-pansin nga ang malaking billboard nila na magkasama ni Daniel ng BNY sa kanto ng Morayta, Espana.


Tinanong namin si Bea kung nagkatsikahan sila ni Daniel sa pictorial. Hindi raw sila masyadong nag-usap although they were formally introduced doon pa lang sa first year nila pareho as endorsers of BNY.


‘Di kaya sinadya na ni Daniel na ‘wag na makipagtsikahan kay Bea kasi baka ‘di niya ma-resist ang beauty nito at maging dahilan pa ng break-up nila ni Kathryn Bernardo?


The post ‘Di nag-uusap bagama’t formally introduced appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Di nag-uusap bagama’t formally introduced


No comments:

Post a Comment