NAKAGAWIAN na natin – na kapag nagpapalit ang taon, sikat na naririnig ang tanong at katagang: ano ang New Year’s resolution mo?
Pangkaraniwang sagot kapag natatanong kung ano ang New Year’s oath o resolution – ang baguhin ang maling ugali at gawain.
Oo nga’t tayo’y may mga New Year’s resolution, pero ang tanong – ito ba nama’y naisasagawa at naisasakatuparan natin?
Maaari – ang ilan tinutupad ang New Year’s resolution. Pero ang karamihan – sinabi ngayon pero kinakalimutan pagkatapos.
‘Yan ang ugaling mali na dapat nang mabago kung nais nina Mang Juan at Aling Maria na mabago ang kanilang buhay.
Kung ang New Year’s resolution mo ay ang baguhin ang sobra mong katamaran, dapat ay pangatawanan mo – magsipag ka.
Pasensya na pero ito ang katotohanan – ang katamaran ay ilan lang sa masamang ugali – aminin natin – kaya ‘di tayo umuunlad.
Sa ibang bansa – lalo na sa mga mauunlad ngayong nasyon, katulad ng Japan, Canada at Australia – walang ‘Juan tamad.’
Kung may mga New Year’s
resolution ang mga Hapon, Canadian at Australian – ito ay ang pagtulong na lamang sa mga sinasawimpalad ang nasa isip.
Dahil nga kasi, sila’y may mga pera, resulta ito ng kanilang pagiging masipag kaya lalong yumayabong ang kanilang buhay.
Ano ba ang ipinagkaiba nila sa mga Pinoy? Wala. Magkakatulad tayong tao sa mundo na pagdating ng araw ay mamamahinga rin.
Kung nais nating umunlad, gawin natin silang modelo sa ating mga buhay.
Kailangan ay gumawa tayo ng tama at dapat.
‘Di natin nilalahat na ang Juan at Maria dela Cruz ay tamad. Marami rin sa ating mga Pinoy ay masisikap at masisipag.
Pero ang ‘di natin maitatatwa – mas maraming ‘Juan tamad’ kaya ‘di natin katulad sina Harimoto, Baldwin at Jones.
Huwag tayong magdepende sa kasabihang “Bagong Taon, Bagong pag-asa” na malimit din nating naririnig.
Kailangan nito ang kaakibat na pagkilos para makamit ang hinahanap nating pag-asa kapag sumasapit ang Bagong Taon.
Kumbaga sa cellphone load, unli ako, dahil ito ang madalas kong topic tuwing New Year, pero pasensya na sa aking kakulitan. Nais ko kasing mabago ang ugali ng napakaraming Juan at Maria.
Happy New Year!
The post MY NEW YEAR’S OATH appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment