Ang akala ko ay tuloy-tuloy na na mabubuwag ni Manila Vice-Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno ang matagal nang pinoproblemang trapik sa kahabaan ng Bonifacio Drive, Port Area, Manila, partikular na sa Anda Circle sa nasabing lugar.
Kung mapaparaan kayo sa lugar na ‘yan, kahit wala kayong highblood ay maha-highblood po kayo! Bakit kanyo? Dahil bukod sa rami ng mga dumaraang naglalakihang truck sa kalsadang ‘yan, ginagawa pang terminal ng mga pampasaherong jeep na may biyaheng Delpan/Pier at Baseco/Pier ang halos kalahati ng kalsada ng Bonifacio Drive riyan sa tagiliran lang ng Petron Gasoline Station.
May pulis akong nakikita na nag-aasiste sa daloy ng mga sasakyang galing sa kahabaan ng Roxas Blvd. patungong Delpan.
Pero ang masakit ay dinededma lang ng mamang pulis ang mga jeep na
nagte-terminal sa nasabing kalsada.
Ahhh..hindi ko po sinasabing may ‘patong’ ang nagtatrapik na mamang pulis sa nasabing terminal.
Nagtataka lang kasi ako, sa kabila na pagod na pagod ang mamang pulis sa kakasilbato at kumpas ng kanyang kamay para lang maasistehan n’ya ang matinding trapik, nakapagtatakang hindi niya nakikita ‘yung lantarang ginagawang terminal ng mga tarantadong tsuper ng pampasaherong jeep sa Anda Circle.
E, VM Isko, pakisiyasat nga ang illegal terminal na ‘yan sa Anda Circle!
KERNEL ANG TONGPATS SA BOOKIES
Wala pa ring tigil ang pulis na si Presnedi sa pag-o-operate ng bookies ng karera nito na may code name na Tonton sa Maynila. Halos nasa 150 butas na ang kabuuan ng kanyang bookies. ‘Di siya magalaw-galaw dahil sa protektado siya ng isang colonel. Sino siya?
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.
The post BUWAGIN N’YO, VM ISKO, ANG ILLEGAL TERMINAL SA ANDA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment